i so love AM duties!!
by admin on Mar.12, 2010, 459 words in post |
Filed under books, food, gala mode, movie
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
WARNING: tagalog post ahead! lol..
dahil am duty ako kanina, (meaning 6am-2pm) ay nagkaron na rin ako sa wakas ng pagkakataon na maglamyerda.. yayness, napanood ko din sa wakas ang alice in wonderland medyo matagal ko na din kasi talagang ninanais na mapanood ang movie na toh dahil sa limang rason:
1.) johnny depp
2.) good visual effects
3.) tim burton as the director
4.) johnny depp
5.) johnny depp
nyahaha.. hindi masyado halatang adik kay johnny depp? i love kasi how he portrays the different roles.. and aminin nyo, bagay talaga sa kanya yung mga kakaiba at weird roles.. bukod sa gwapo ay talagang magaling sya umarte
as a whole, okay lang para sakin ang alice in wonderland.. hindi ako masyadong nagandahan maybe because alam ko na kung ano mangyayari sa plot pero di din naman ako sobrang napangitan.. in short, sakto lang..
dahil sa tapos ko ng basahin ang buong Percy Jackson Series ay dumaan na din ako sa national bookstore upang tumingin tingin kung may ibang magandang libro.. bumili ako ng artline na permanent marker tapos dumaan ako dun sa inquiry nila para tanungin kung may available na FABLEHAVEN book 4 – The Secret of the Dragon Sanctuary ayun swerte naman at meron.. kaya napabili tuloy ako bigla.. kung mahilig kayo sa harry potter books at sa percy jackson, tiyak magugustuhan nyo rin ang fablehaven.. fantasy ang genre at unique din ang kwento at talagang di kaya matutulog hanggat di nyo natatapos basahin yung kwento.. super page turner.. 
after that eh tumingin tingin kung may magugustuhan na damit.. unfortunately wala akong natipuhan na damit pero may nagustuhan naman ako na shoes pero dahil sa wala din ako masyado dalang pera eh pinagpaliban ko muna ang pagbili.. hehehe.. afterwards, para di ako kuyugin ng kapatid ko ay bumili na din ako ng mga pasalubong for the family.. krispy kreme and brownies unlimited yummyness..
|